NEWS
  • 16 Apr, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

TB DOTS CERTIFICATION PASSED

April 16, 2024

TB DOTS CERTIFICATION PASSED ✔️🩻🫁

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Sa pangunguna ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan kasama ang bumubuo ng Sangguniang Bayan Member sa pamumuno ni Vice- Mayor Christopher Ramiro,Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan ang Rhu Kalayaan Laguna sa pangunguna ni Dr. Rica Paraiso Pamatmat at kanyang mga kasamahan ay patuloy na iaangat ang antas at kalidad ng "Serbisyong Pangkalusugan lalo na sa larangan ng pagsugpo sa Tuberculosis.

DAHIL ang Tuberculosis (TB) ay isa pa rin sa pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga tao sa Pilipinas.

Bawat pamilyang Pilipino, dapat malusog at walang sakit. Pero may mga sakit na matatawag na kakambal ng ibang mga sakit tulad ng Tuberculosis. Kung ikaw ay may diabetis, sakit sa bato, HIV-AIDS — madali ka lang makapitan ng TB dahil pinapahina ng mga sakit na ito ang iyong resistensya.

Alamin ang mga kaalaman tungkol sa tuberculosis via http://bit.ly/NTBFAQs

Maraming salamat po.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan