Teenage Pregnancy Symposium
April 19,2023
Isang mapagpalang araw po sa ating lahat minamahal kong Kalayaeños!
Ang inyo pong lingkod Mayor Sandy Laganapan kaakibat si Vice-Mayor Christopher Ramiro at ang Sangguniang Bayan ay lubos na nag papasalamat sa mga sumusunod:
Dr. Rica P. Pamatmat- MHO
Mr. Herben C. Dela Paz- LYDO
Ms. Sweet Faith F. Ferrancol - HRMO
Ms. Edelane R. Acueza - Nurse 2 at
Ms. Mary Grace A. Reyes - PPO - Laguna
Sa pag sasagawa ng programang Teenage Pregnancy Symposium. Gayundin sa pag gabay ng ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan.
Ito ay dinaluhan ng mga On the Job training na mga Senior High School Students na nag mula sa iba’t-ibang school ng ating bayan at ilang karatig bayan.
Hangad po ng inyong lingkod na bukod sa application ng kanilang academic learning, ay mamulat din sila sa kahalagahan ng pag- iwas sa maagang pagbubuntis at mabigat na responsibilidad, kung kaya’t itong aktibidad na ito ay regular ko ng gagawing programa na dadaluhan ng mga OJT students, na mag sasanay sa ating LGU.
Dahil hangad ko ang magandang bukas ng bawat estudyante na makatapos ng pag aaral. Upang ng sa ganon ay maging kaakibat ng ating bayan sa patuloy na pag unlad, at higit sa lahat ay patuloy na kilalanin ang bayan ng Kalayaan sa magagandang bagay.
Dahil sa bayan ng Kalayaan lahat ay aangat tungo sa maganda, malusog at maayos na buhay.
#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"
"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"