NEWS
  • 16 May, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"THE VAWC AWARENESS AND WOMEN EMPOWERMENT"

Mayo 16, 2024

"THE VAWC AWARENESS AND WOMEN EMPOWERMENT"

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!

Ang tanggapan ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan ng ating bayan sa pangangasiwa ng ating MSWDO Gng. Aime Magana ay kasalukuyang nag sasagawa ng orientation patungkol sa VAWC Awareness and Women Empowerment at ito ay dinaluhan ng ating EA ll / Sectoral Officer G. Angelito Presoris upang ipaabot ang mensahe at suporta ng inyong lingkod.

Ang pangunahing layunin ng programang ito ay makapagbigay sa bawat Kababaihang Kalayaeño ng mas malawak na kaalaman patungkol sa kanilang karapatan bilang isang babae.

Malaki ang suporta ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan, Sanguniang Bayan Members sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan sa mga programang ito sapagkat mahalaga sa inyong lingkod ang karapan ng bawat isang Kalayaeño.

Maraming salamat po!

#SLP Serbisyo Para sa Lahat

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan