NEWS
  • 15 Sep, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"TOP 6 OUTSTANDING MAYORS OF THE 5th LAGUNA EXCELLENCE AWARD"

Agosto 20, 2024

"TOP 6 OUTSTANDING MAYORS OF THE 5th LAGUNA EXCELLENCE AWARD"

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!

Walang pagsidlan ang kagalakan ng inyong lingkod sa isang magandang balita na gumising sa atin. Nais kong ipahayag ang aking taos-pusong pasasalamat sa natamo kong karangalan mula sa Laguna Excellence Awards bilang Man of Excellence in Public Service ngayung taon sa buong Laguna .

Ang karangalang ito ay hindi lamang simbolo ng tagumpay para sa akin kundi isang patunay rin na ang mga pagsisikap, pagkakaisa at dedikasyon natin ay nagbunga, Ngunit hindi ko maaabot ang karangalang ito kung hindi sa tulong at pakikiisa ng kapwa ko Lingkod Bayan, mga Pinunong Departamento, mga kawani, pamilya, kaibigan at Lalong higit ang bawat isang Kalayaeño na aking nag sisilbing inspirasyon.

Asahan po ninyo na aking ipagpapatuloy ang Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit at Serbisyo Para sa Lahat ng ating mga mamayan tungo sa mas maunlad at mas magandang One Kalayaan.

Maraming salamat po!

#SPL Serbisyo Para sa Lahat

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan

#lagunaexcellenceawards #OutstandingMayors2024