NEWS
  • 22 Jun, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

TRAINING ON GOOD AGRICULTURAL PRACTICES

June 21, 2023

TRAINING ON GOOD AGRICULTURAL PRACTICES

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Nag-uwi ng makabuluhang aral ang mga kababayan nating dumalo sa naganap na programa ukol sa Training on Good Agricultural Practices, katuwang ang Pambayang Agrikultor Bb. Liza Laitan Yee at ang Sectoral Section Kalayaan Laguna.

Bukod sa pagpapataas ng antas ng pamumuhay ng ating mga magniniyog, layunin ng programa na magkaroon ng kasiguraduhan sa pagkain, magandang kalidad na mga produktong galing sa niyog habang binibigyan din ng kahalagahan ang pangangalaga sa kalikasan at ang kalusugan, kaligtasan at kapakanan ng mga magniniyog.

Patuloy po ang inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan sa pangangalap ng mga ganitong uri ng programa na makapag papaunlad ng kabuhayan ng ating mga kababayan.

Maraming salamat.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan