NEWS
  • 28 Jun, 2024
  • BY: KALAYAAN LGU

"TUPAD ORIENTATION" BARANGAY SAN ANTONIO | LONGOS | SAN JUAN

Hunyo 26, 2024

"TUPAD ORIENTATION"

BARANGAY SAN ANTONIO | LONGOS | SAN JUAN

Isang mapagpalang araw, minamahal kong Kalayaeños!

Nitong nagdaang hunyo 25, 2024 matagumpay na naisagawa ang oryentasyon para sa mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD sa ating municipal open court.

Katuwang ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan sa gawaing ito ang DOLE Regional Office, HRMO/PESO Kalayaan sa pangangasiwa ni Gng. Sweet Faith Ferrancol at kanyang mga kasamahan, Municipal Agriculture Office (MAO) na pinangangasiwaan ni Dra. Liza Laitan Yee at kanyang mga kasama gayun din ang ating Sectoral Section Kalayaan Laguna sa pangangasiwa ni G. Angelito Presoris at kanyang mga kasamahan.

Lubos ang pasasalamat ng inyong lingkod Mayor Sandy P. Laganapan, Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ni Vice Mayor Christopher Ramiro gayun din ang ating Pambayang Administrador Kris Anne Laganapan Pesigan sa mabilisang pagpapahatid ng mga programang malaki ang naitutulong para sa ating mga kababayan.

Maraming salamat po!

#SPL Serbisyo Para sa Lahat

"Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan