NEWS
  • 30 Nov, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

"TURN-OVER OF ASSISTANCE TO DAYCARE CENTERS FROM CBK's HOST BARANGAYS"

"TURN-OVER OF ASSISTANCE TO DAYCARE CENTERS FROM CBK's HOST BARANGAYS"

Isang mapagpalang araw,minamahal kong Kalayaeños!

Noong ika-10 ng Nobyembre 2023 ay ginanap ang Turn-over Ceremony ng CBKPCL's Assistance para sa Barangay San Juan,Longos at San Antonio kasama na rin ang mga sitios nito mula sa Sitio Magalolon,Sitio Kalayaan at Sitio Lunao para sa mga Daycare Centers ng Bayan ng Kalayaan.

At dahil sa isinagawang assessment at evaluation ng CBK nakita nila ang ibang pangangailangan ng mga paaralan ng mga host Barangays kung kaya't naisagawa ang pagbibigay ng mga materials at equipment sa bawat Day Care Centers na para sa kapakinabangan ng mga mag-aaral.

Pasasalamat ng inyong lingkod Mayor Sandy Laganapan sa CBK Power Company Limited,Community Relation Officer Maricris Ann A. Himoc. Gayundin sa ating MSWDO Aime Magana at sa lahat ng mga naging kabahagi ng programang ito.

Maraming salamat po.

#SPL"Serbisyo Para sa Lahat"

"Bayang may Disiplina,Serbisyong may Malasakit"

#OneKalayaan