NEWS
  • 11 Apr, 2023
  • BY: KALAYAAN LGU

'WELCOME TO KALAYAAN MARKER DESIGN COMPETITION' Winner

Abril 06, 2023

Kalayaeños, isang mapagpalang araw po sa lahat!

Ang inyo pong lingkod ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa sa ating 'WELCOME TO KALAYAAN MARKER DESIGN COMPETITION'. Nagkaroon po tayo ng deliberasyon kung saan ang naging kaisa natin dito ang ting Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Christopher P. Ramiro, Admin Kris Anne L. Pesigan, T.O.O. II, G. Herben C. Dela Paz at ang nagbigay ng pagpapaunlak sa ating imbitasyon na si Arch. Mansley G. Kimhoko mula sa Bayan ng Pagsanjan.

Sa paglaon ng deliberasyon, sa 21 nagpasa ng kanilang mga disenyo, narito ang mga napili at ang nagwagi sa naturang patimpalak:

Champion- Djhondrey Noche

Runners- Up:

Bb. Alexandra Jane Perez

Bb. Renzel Torres

Bb. Andrea Capili

G. Randolf Torres

Muli ay ang pasasalamat ko po sa inyo sa inyong pagsali at pakikiisa sa pagpapaganda ng ating Welcome to Kalayaan Marker. Maraming Salamat po!

#115thkalayaanfoundationday

#explorekalayaan

#lovekalayaan

#lovelaguna

#SPL 'Serbisyo Para sa Lahat'

'Bayang may Disiplina, Serbisyong may Malasakit'

#OneKalalayaan